Loading...
Address: Purok 4 Bungahan, Ibaan, Batangas
Sub-Category: Well
Ownership: Private
Status: Deteriorated
Conditions:
Area: 1. Total Land Area: 4 x 4 sqm, 2. Structure: Sa kasalukuyan ang loob nito ay mayroong sukat na 30.5 x 21 pulgada sa labas nito pabilog ay may sukat na 53 diyametro at may lalim na 220 talampakan.
Estimated Age: 74 Years as of Year 2025
Owner Jurisdiction: G. Hernando “Nani” Perez
Description: Exterior - Ang balong ito ay makikita sa tabi ng daan, kung saan ang paligid nito ay palitada at mayroong takip na semento na hugis parihaba. Interior – ang balong ito ay may 220 talampakan ang lalim, at hanggang sa kasalukuyan ay mayroon pa itong tubig sa katunayan kapag naghulog ng bato dito ay tumagal ng 40 segundo bago marinig ang tunog ng tubig. Landscape – ang balong ito ay matatagpuan sa unahang-kanang bahagi ng lumang Barangay Hall ng barangay Bungahan, Ibaan, Batangas. Sa kaliwang bahagi naman nito ay makikita ang lumang kapilya ng nasabing barangay.
History Structure: Ang balong ito ay itinayo sa sentro ng nayon noong Oktubre 16, 1950 upang magsilbing kuhanan ng tubig ng mga naninirahan dito. Ang lalim nito ay umabot sa 220 talampakan sapagkat dito pa lamang lumabas ang lebel ng tubig.
Stories: Ayon sa aming nakapanayam na si G. Mario Gamboa, itinayo ang balong ito noong ika-16 ng Oktubre, 1950, ayon sa iniukit na petsa noong ginawa ang balon. Sa pagtutulungan ng mga taong naninirahan sa nayon ng Bungahan upang magkaroon ng malapit na kuhanan ng tubig, nagkaisang maisagawa ang balon. Sapagkat sila ay sa ilog pa kumukuha ng tubig at napakalayo nito sa kanilang nayon. Kung kaya ang balong ito ang nagsilbing tulong sa mga tao at kalapit barangay upang may makuhanan ng tubig. Ang yari nito noong una ay pabilog na mayroong poliya na nagsisilbing tulong sa pagkuha ng tubig. At sa paglipas ng panahon nagkaroon na ng mga poso ng tubig at hanggang sa kasalukuyan ay nagkaroon na ng mga patubig sa barangay kung kaya ang balon ay hindi na tuluyang nagamit. Pinakipot na ang bunganga nito na hugis parihaba at nilagyan ng takip upang hindi magdulot ng sakuna sa mga taong naninirahan dito.