Loading...

Masilungan Ancestral House

Masilungan Ancestral House

Address: Ibaan Batangas

Sub-Category: INDIGENOUS

Ownership: Apolinario Hernandez Masilungan at Chonchita Pañoso Masilungan. Kasalukuyang naninirahan: Victoriano Masilungan

Status: Fair

Conditions:

Area: 1. Total Land Area: 2,004 sqm. 2. Structure: 671 x 732 cm

Estimated Age: 1970 (52 years)

Owner Jurisdiction: Apolinario Hernandez Masilungan at Chonchita Pañoso Masilungan. Kasalukuyang naninirahan: Victoriano Masilungan

Description: Ang Masilungan Ancestral House ay gawa sa sawali na may yero, kahoy at semento. Ito ay may silong kung saan ito ang pinaglalagyan ng mga pang sakang kagamitan tulad ng mga araro, tapasan, gilingang bato at iba pang gamit pangsaka. Sa loob po nito ay may limang baiting hagdan papunta sa ikalawang palapag na nakasemento. Sa kusina ay matatagpuan ang lumang banggerahan katabi ng abuhan kung saan dito nagluluto ng mga pagkain ang naninirahan dito. Matatagpuan din sa loob ang lumang lamesa na gawa sa kahoy. Mayroon ding iba’t ibang lumang kagamitan tulad ng sinaunang pinggan, tapayan, plantsang de uling, at sinaunang “electric fan”. Sa loob ng kanilang bakuran ay may matatagpuan na lumang balon na kung saan dito nagmumula ang kanilang pang araw araw na ginagamit na tubig. Upang makarating sa Masilungan Ancestral House, kinakailangang tumawid sa dalawang tulay na gawa sa bakal.

History Structure: Ito ay tinatayang 50 taon nang nakatayo sa Brgy. Calamias, Ibaan Batangas. Dito dumadayo ang dating alcalde ng bayan ng Ibaan na sina Mayor Nano Toreja at Mayor Rolando Reyes. Walang renobasyon o pagbabago sa istruktura ng Masilungan Ancestral House ang naganap hanggang sa kasalukuyan. Ang Masilungan Ancestral House ay naipagawa sa halagang Php 28,000.00. Ang mga materyales noong panahong ginawa ito kagaya ng hallow blocks ay nagkakahalagang labing limang sentimo, ang yero ay apat na piso, at ang buhangin ay nagmula sa ilog na matatagpuan malapit sa kinaroroonan ng Masilungan Ancestral House.

Stories: Ang Masilungan Ancestral House ay isa sa lumang bahay na matatagpuan sa Brgy. Calamias, Ibaan, Batangas.