Loading...

 Irrigation

Irrigation

Address: Brgy. Tulay na Patpat, Ibaan, Batangas

Sub-Category: Dam/Dike

Ownership: Public

Status: Not Occupied

Conditions:

Area: 1. Total Land Area: 2,015 sqm. 2. Structure: First layer: 440 cm : Second layer: 75 cm : Length: 1,500 cm : Depth: 264 cm

Estimated Age: 1945 (77 years)

Owner Jurisdiction: National Irrigation Authority (NIA)

Description: Ang irigasyon ng Ibaan ay matatagpuan sa Brgy. Tulay na Patpat, Ibaan, Batangas. Tinatayang ang irigasyon ay naitayo noong taong 1945 mula sa pinagsamang apog at semento at mga bato. Ang lalim ng labak ay katulad rin ng lalim ng sahig ng irigasyon. Ang daloy ng tubig ay nagmumula sa bayan ng Lipa at dumadaloy patungo sa Brgy. Tulay na Patpat hanggang sa malawak na palayan ng bayan ng Ibaan. Upang makarating sa mismong lugar kung saan matatagpuan ang irigasyon ay kinakailangang lumusong sa mabatong palusong na lupa. Ang irigasyon ay napapalibutan ng ibat ibang uri ng puno at isa dito ay ang puno ng kawayan. Makikita sa pisikal na anyo ng irigasyon ang katagalan nito. Makikita sa istruktura ang tagal ng bato na ginamit at ang ilang mga parte nito na gumuho. Malinaw ang tubig na dumadaloy sa irigasyon. Ang lalim nito ay tinatayang nasa 264 sentimetro.

History Structure: Tinatayang ang irigasyon ay nabuo noong 1945 sa tulong ng mga mamayan ng Ibaan Batangas. Walang anumang renobasyon o pagbabago ang naganap sa irigasyon.

Stories: Socioeconomic: Hanggang sa ngayon ay nagagamit ang irigasyon sa mga pananim ng Ibaan. Ito ang nagbibigay ng supply ng tubig sa palayan ng Brgy. Talaibon, Brgy. Pangao at Brgy. Matala.