Loading...
Address:
Sub-Category: Other
Ownership: Church
Status: Good
Conditions: Good
Area: 87 sq. m
Estimated Age: 2017
Owner Jurisdiction: Rashid Deri
Description: Sa harapan ng Mosque Alhaild Alhidaya sa Talaibon, Ibaan, Batangas, ay makikita ang isang bahay ng tagapangalaga. Sa tagiliran nito, sa bandang kanan, may maliit na tarangkahan na nagsisilbing daan papunta sa Mosque. Ang iskinita ay may lapad na limang (5) metro at sa dulo nito ay makikita na agad ang harapan ng Mosque. Kapansin-pansin ang iskinita sa bandang kaliwa na binubuo ng maraming gripo ng tubig kung saan naglilinis ng sarili ang mga Muslim bago sila magsamba. Ang mismong harapan ng Mosque ay may paikot na hagdan patungo sa pangalawang palapag. Sa bandang kaliwa, naroon ang pintuan papasok sa Mosque.
History Structure: Noong 2017, dumating ang isang Arabo sa Ibaan at natagpuan niya ang grupo ng mga Muslim na naninirahan doon. Ang nasabing Arabo ang nagbigay ng pangunahing pondo para sa pagsisimula ng konstruksyon ng Mosque Alhaild Alhidaya. Ang natitirang kakulangan sa pondo ay pinagtulung-tulungan ng mga Muslim na taga-Ibaan upang matapos ang Mosque at magamit na nila sa kanilang pagsamba. Simula noon, ang Mosque ay naging sentro ng pananampalataya ng mga Muslim sa Ibaan. Tuwing Biyernes, dito nagtitipon ang mga kalalakihan at kababaihan (na magkahiwalay) upang magsagawa ng kanilang mga ritwal na pananalangin. Ang Mosque ay patuloy na pinapanatili at isinasayos ng komunidad, kung saan si Rashid Deri, na tumatayong tagapamuno, ay nangangalaga sa istruktura.
Stories: 1. Pagdating ng mga Maranao Islam - May isang grupo ng mga Maranao Islam na tinatawag na purong Islam na dumating sa Ibaan para sa pangangalakal. Sila ay binubuo ng may 80 pamilya at may nakasama na rin silang 15 Balik Islam na mga pamilya mula sa Ibaan. Ang kanilang pagdating ay nagdulot ng mas malaking komunidad ng mga Muslim sa lugar. 2. Pagbibigay ng Donasyon ng Isang Arabo - Noong 2017, dumating ang isang Arabo na nagbigay ng pangunahing pondo para sa pagpapatayo ng Mosque. Ang pagkakaroon ng Mosque ay naging malaking tulong sa komunidad ng mga Muslim, na dati ay nangungupahan lamang sa isang bahay sa Brgy. Talaibon para sa kanilang pagsamba.