Loading...

TUBUHAN

TUBUHAN

Address: Talaibon, Ibaan, Batangas

Sub-Category: Farm

Ownership: Private

Status: Good

Conditions: Good

Area: TBS

Estimated Age: TBS

Owner Jurisdiction: TBS

Description: Ang Tubuhan sa Ibaan, Batangas ay matatagpuan sa malawak na kaparangan na mainam sa pagtatanim ng tubo. Ang kapaligiran nito ay binubuo ng mga luntiang bukirin at mga daang matalim ang liko. Sa paligid ay makikita ang mga kakahuyan na nagbibigay ng lilim sa mga manggagawa. Ang lugar ay madalas na may mga makikitid na kalsada na nag-uugnay sa mga pangunahing lansangan patungo sa mga sakahan ng tubo. Ang klima sa Ibaan ay mainam para sa paglago ng tubo, na may sapat na dami ng ulan at araw.

History Structure: Ang pagtutubo sa Ibaan ay nagsimula mahigit isang daang taon na ang nakalipas. Ang tradisyunal na proseso ng pagtatanim ng tubo ay nag sasama ng pagkuha ng cane tops, pag babad sa tubig, at mano-manong pagtatanim. Noong una, ang traktura ay ginagamit para sa pag-aararo at paghahanda ng lupa. Ang Tubuhan sa Barangay Talaibon ay isang mahalagang bahagi ng lokal na agrikultura. Ang lugar na ito ay may makasaysayang kahalagahan dahil sa kontribusyon nito sa lokal na ekonomiya at kultura. Marami sa mga residente ng Ibaan ang nagpatuloy sa pagtutubo bilang pangunahing hanapbuhay, na nakatulong sa kanilang kabuhayan. Ang mga tubo ay tatabasin at dadalhin sa sugar central para gawing asukal. Ang lokal na pamahalaan ay nagsusumikap na mapalago muli ang agrikultura sa lugar upang matulungan ang mga magsasaka at mapanatili ang kabuhayan.

Stories: Bagaman malaki na ang pinagbago ng bayan ng Ibaan, ang tubo ay nananatiling isa sa mga pangunahing produkto ng Ibaan, Batangas. Ang Tubuhan ay simbolo ng kasipagan at dedikasyon ng mga residente ng Ibaan sa agrikultura. Sa Barangay Talaibon, makikita ang mga malalawak na taniman ng tubo na pinagyayaman ng mga lokal na magsasaka. Isang halimbawa ay si Kuya Sonny, na habang nagpapahinga sa ilalim ng lilim ng puno, na kuwento na matapos matabas ang tubo, ito ay kusang tutubo muli at maaaring anihin pagkatapos ng sampung buwan. Sa ikatlong anihan, kinakailangan ng magtanim ng panibago upang mapanatili ang kalidad ng ani. Ang kanyang kuwento ay nagpapakita ng dedikasyon ng mga magsasaka sa pagpapanatili ng kanilang taniman.