Loading...
Address: Ibaan,Batangas
Sub-Category: Cuisine/Culinary traditions
Stories: Ang tamales ay nag-umpisa noong pananakop pa lamang ng mga espanyol. Ito ay natutunan ng mga Ibaeño dahil ito ang paboritong lutuin ng mga kastila noon. Dahil sa kakulangan sa sangkap para makuha ang tunay na lasa ng orihinal na tamales ng bansang Mexico ay nagkaroon ng sariling pagkakakilanlan at lasa ang tamales ng Ibaan. Dahil sa mga pagkakatong ito ay naging tampok ang tamales sa buong Ibaan matapos umpisahan ni Gng. Pilar Chaves ang pagbebenta sa mga karatig na kabahayan. Siya rin ang naging inspirasyon ng ilang mga tumatangkilik ng kaniyang produkto kung kaya’t ang ilan ay gumawa ng sarili nilang timpla ng tamales at sinubukang ibenta sa buong bayan. Sa ngayon, patuloy na dumarami ang bilang ng mga tumatangkilik ng tamales ng Ibaan, may ilan naring mga personalidad, politiko, at mga mamamahayag ang nakadiskubre ng produktong ito dahilan kung kaya’t ang Ibaan ay binansagan bilang “Tahanan ng masasarap na Tamales”.
Description: Ang Tamales ang isa sa pangunahing produkto kung saan kilala ang Ibaan, Batangas. Tampok ang tamales tuwing LESKULIEMBO Festival na kung saan tinatangkilik parin hindi lamang ng mga Ibaeño kung hindi pati narin ng mga taga iba pang lugar. Batay sa kasaysayan ng Ibaan, naimpluwensiyahan ng mga Kastila ang mga Ibaeño sa paggawa ng tamales. Isa sa makapagpapatunay ay si Gng. Pilar Chaves na tiyahin ni G. Reynaldo Escano na asawa naman ni Gng. Marieta Escano na ngayo’y may-ari ng Remar’s Original Tamales. Namasukan si Gng. Pilar bilang katulong noong unang panahon sa isang mayamang pamilya na may lahing kastila. Dito ay parati niyang napapansin na mahilig ang pamilya sa pagluluto ng mga pagkaing banyaga tulad ng Tamales na nagmula sa bansang Mexico. Dahil hindi sapat ang mga sangkap na mayroon sa Ibaan, hindi nito sadyang nakuha ang eksaktong sangkap ng orihinal na tamales ng Mexico. Kung kaya’t ang natutunan ni Gng. Pilar ay ang mga sangkap at proseso na sa ngayon ay ginagawa parin ng ilan sa mga nagluluto ng tamales sa Ibaan.