Loading...
Address: Brgy. Talaibon, Ibaan, Batangas
Sub-Category: Traditional healing systems,rituals, beliefs
Stories: Ayon kay Ginang Zaida Bradecina na isa sa nagpatunay at nagpatotoo na napagaling ang kanyang anak sa pinagibigan gamit ang pagluluop. Ito ay isinasagawa sa pagsunog sa baga ng pagkain na nagustuhan ng isang babaeng nagbubuntis na hindi niya nakain. Ayon naman kay Ginang Evelyn Silva ang kanyang anak ay isa sa napagaling ng Nanay Marquita noong panahon na merong sugat sa tainga ang kanyang anak. Niluop niya ng chicharong kawali at pinunasan niya ng langis na bigay ng Nanay Marquita at kaagad namang gumaling sa loob ng dalawang araw ang tainga ng kayang anak.
Description: Ang bulong ay isang uri ng panggagamot na gamit ang langis ng niyog na dinadasalan na may alam sa orasyon . Ayon kay Ginang Gierly V. Cantillo ito ay pangatlong salinlahi na nagmula sa kanyang Lola Matiya Cruzat na isinalin sa kanyang ina na si Nanay Marquita Vergara. Ang Nanay Marquita ay nagumpisang maggamot noong siya ay 38 taong gulang at ayon sa kanyang anak maraming mga napagaling na nakaranas ng sakit sa balat, napaso, at mayroong pinagibigan. Dahil sa kanyang pamamaraan ng paggagamot nakilala siya hindi laang sa bayang ng Ibaan at maging sa mga karatig bayan nito. Ang nasabing bulong o paraan ng paggagamot ay ginagawa niya ng walang hinihinging kapalit o bayad.