Loading...

 PININDOT

PININDOT

Address: Ibaan, Batangas

Sub-Category: Cuisine/Culinary traditions

Stories: Ayun kay Victoria Rosal, nakapagpa-aral na ng mga anak dahil sa pinindot. Ito ay marahil na rin sa kanyang galing sa pagluluto. Siya ay kadalasang maramihan kung magluto. Ayun sa kanya, mas Malaki ang kita kapag bultohan ang order ng pinindot. Ito ay kadalasang dala ng mga okasyon tulad ng padasal, pasko, at mahal na araw. Mas nakikita umano nya ang tubo kapag bultohan ang pagluluto. Halimbawa niya, sa katumbas ng isang salop ng malagkit, binabayaran siya ng Php 1,000.00 at hindi na nya kailangan maglako. Gayunpaman, kung kailangan man niyang maglako, mula 10:00 AM hanggang 12:00 PM lang naman ang paglalako niya dahil nauubos agad ang kanyang tinda.

Description: Ang pinindot, kilala ding bilo-bilo, ay isa sa mga kilalang kakanin ng mga Pilipino. Ito ay maaaring kainin pang umagahan, pang merienda, o panghimagas. Ito ay may mga sangkap na mayroon saan mang parte ng bansa. Marahil ito na din ang dahilan kung bakit kilala ang kakaning ito saan mang parte ng bansa lalo na sa katagalugan. Sa katunayan, ito ay kilala din sa ibang pangalan tulad ng: pinaltok(?) sa Quezon, alpahor sa Iriga, binignit sa Davao, palaeros sa ibang bahagi ng Batangas, at kineler sa Pangasinan (Batangas Republic, 2021). Sangkap: Ang pangkaraniwaang pinindot ay may limang (5) sangkap. Ang mga ito ay: malagkit na bigas, gata ng niyog, sago, asukal, at asin. Ang mga ito naman ay maaring dagdagan ng iba pang mga sangkap na nagbibigay ng kakaibang lasa. Depende sa nagluluto, maaari ding lagyan ng mga sumusunod na mga sangkap ang pinindot: langka, saging, o kamote.