Loading...
Address: Brgy. Quilo Ilaya , Ibaan Batangas
Sub-Category: Cuisine/Culinary traditions
Stories: Nagsimula ang pagawaan ng Panutsa sa pagtutulungan ng maghipag na sina Petra arellano at Ehly Mendoza. Sa kalaunan ay mag-isa na itong itinaguyod nig ng Petra Arellano at ng kanyang asawang si G. Armando Arellano. Noong una ay kahoy lamang ang gamit sa pagluluto subalit nagpalit na sila ng heavy duty na na kalan upang mapadali ang pagluluto. Nagsimula silang magdala sa mga tindahan sa mga barnaggay at ng magtagal ay nadagdagan ng nadagdagan ang kanilang mga suki kaya kumuha na rin sila ng mga makakatulong sa paggawa mula sa komunidad. Ayon sa aming informant na si Sherwin Arellano, 40 taong gulang, na anak ng may-ari ng Panutsahan, manggagawa nila sa Panutsahan ang kanyang napangasawa. Dito niya niligawan at sa ngayon ay naging asawa nya si Myla Arellano at nagkaroon sila ng dalawang anak. Magkakasama na din sila sa pagtulong sa kanyang magulang sa pamamanihala sa Panutsahan. Dumaan din sa mga pagsubok ang Panutsahan subalit sa pagtutulungan at pagkakaisa ng pamilya ay naipagpatuloy at hanggang sa ngayon ay patuloy na kinikilala ang Panutsahan maging sa mga karatig-bayan.
Description: Kasaysayan ng Gawain – Paggawa ng Panutsa Ang paggawa ng Panutsa ay masasabing kasali sa kasaysayan ng Ibaan sapagkat ito ay 25 taon ng at lagging naiimbitahan ng munisipyo ang gumagawa nito sa mga seminar na isinasagawa ng DOST at DTI. Bilang katunayan, isa si Gng. Petra Arellano sa nakapanayam ng kinatawan ng DOST tungkol sa kanyang panutsahan. Kinikilala din sa Ibaan, sa Batangas at iba pang karatig bayan ang Panutsa ng Ibaan at sa ngayon ay matatagpuan sa Cultura De Ibaan. Okasyon Ito ay palaging meron at mas mabenta kapag may okasyon kagaya ng Pasko at Bagong Taon dahil sa bilog na hugis nito gayundin kapag araw ng mga Puso dahil sa hugis puso nito.