Loading...
Address: Ibaan,Batangas
Sub-Category: Birth, wedding, funeral rituals
Stories:
Description: Ayon kay Ginoong Joseph Alipio isang sacristan, “Ang Agoniya ay anunsiyo o pagpapahayag na may isang Ibaenong namatay na humihingi ng panalanginsa kababayan niyang taga Ibaan din. Sumisimbolo ang kalembang kapag lalaki ang namatay ay tatlong bang na tunog at kasunod ng tatlong teng at kapag babae naman ay tatlong teng kasunod ng tatlong bang. Sa buong Batangas sa Bayan ng Ibaan laang isinasagawa ang ganitong pagaagoniya. Base naman sa sinabi ni Ginang Lita Guico, nakagisnan na din niya sa Ibaan ang Agoniyang ito simula 1982 hanggang sa ngayon at tuwing may inililibing ay tinutunog ito. Noong una ay merong tatlong kampana na ginagamit sa pagtugtog ng agoniya.