Loading...
Sub-Category: Sculpture
Date Produce: 1867
Estimated Age: 155 years old
Owner Name: Don Roman Caringal (orihinal) / Gng. Estilita Ramos Manse (kasalukuyan)
Dimensions of Object:
Physical Status: Fading, Abrasion
Acquisition: Ang Santo Entierro ay nagmula sa Espanya at ito ay iniregalo ng mga Español kay Don Roman Caringal noong 1867 sa panahong siya ay kasalukuyang gobernadorsilyo sa bayan ng Ibaan.
Stories:
SIGNIFICANCE INFORMATION
Historical: Sa loob ng 155 taon, ang Santo Entierro ay napagbigay na ng malaking ambag sa kasysayan. Marami na rin itong nabuong kwento mula sa mga deboto at nanampalataya tungkol sa mga himala at paniniwala. Ang Mahal na Poon ng Santo Entierro ay nakapag-iwan ng isang kasysayan na siyang nananatiling daan upang maipagpatuloy ang gawi ng mga deboto at nananampalataya noong unang panahon.
Aesthetic: Ang Mahal na Poon ng Santo Entierro ay kilala hindi lamang sa mapaghimalang dala nito kung hindi pati narin ang kalumaan at disenyong pinapakita nito. Ito ay maihahambing sa Poong Nazareno ng Qiapo ngunit ang pinagkaiba lamang ay ito’y nakahimlay.
Spiritual: Nang ang Santo Entierro ay mapasakamay ng pamilyang Caringal ay batid na ang mapaghimalang karanasan ng mga tao dito. Ayon muli kay Gng. Estilita, dahil sa mga kaganapang ito ay nagpasalinsalin at nagpatuloy ang paniniwala hanggang sa kasalukuyang henerasyon. Mahalagang hindi ito mawala sapagkat ito ay patuloy na pinanampalatayaan ng mga tao maging sa labas ng lalawigan ng Batangas. Siya ring naging tulay upang maipagpatuloy ang katolisismo noong unang panahon.
Social: Tuwing Biyernes-Santo ay nagdaraos ng “Pahalik” ang kapilya sa umaga para sa mga deboto ng Santo Entierro. Sa hapon ay inihahatid ang Mahal na Poon sa simbahan ng Apostol Santiago upang ihanda sa prosisyon, kasunod nito ay ang pagpapatuloy ng Pahalik para sa mga deboto at nananampalataya. Ang mga gawi’ng ito ay ang siyang nagiging daan upang magkaroon ng mahalagang pagtitipon at maipakita ang kahalagahan ng Mahal na Poon sa komunidad.
Provenance: Iniregalo noong 1867 ng mga Español sa isang tangyag na gobernadorsilyo na si Don Roman Caringal na asawa ni Donya Eulogia Montalbo Caringal ang Mahal na Poon ng Santo Entierro. Ipinamana sa panganay na anak na si Gng. Martina Caringal ang Mahal na Poon na asawa ni G. Saturnino Ramos na naging gobernadorsilyo noong 1880-1881. Hindi naglaon, Ito ay napamana sa magkakapatid nina Gng. Estilita Ramos Manse sapagkat ayon sa abogado ay sila ang pinakamalapit sa linya ng pamilya na maaaring magmana at mangalaga ng Mahal na Poon ng Santo Entierro.
Representative: Ang Santo Entierro ay sumisimbolo ng isang malawak na pananampalataya at nagpapakita ito ng isang kahalagahan kung kaya’t ito ay dapat mapangalagaan sapagkat ito rin ang nagbigay tulay para sa pagpapatuloy ng katolisismo noong unang panahon.
Rarity: Sa loob ng 155 taon, iilan na lamang ang mayroon ng ganitong imahe ng Santo Entierro. Ang kalumaan ng imaheng ito ay nagpapakita ng isang produkto ng mga Español noong unang panahon.
Interpretive: Ang kasaysayan ng Mahal na Poon ng Santo Entierro ang magpapatotoo ng matibay na pananampalataya ng mga Katoliko sa Bayan ng Ibaan. Ang paglikha ng katha ng kasaysayan patungkol sa Mahal na Poon ang nagbukas sa isipan ng mga mamamayan hindi lamang sa bayan ng Ibaan kung hindi pati narin sa buong bansa. Ito rin ang siyang magiging susi upang maipasa pa sa mga susunod na henerasyon ang kaalaman tungkol sa Mahal na Poon.
Threat: Marami na ang nagtangkang kumuha ng ilang bahagi ng Mahal na Poon kung kaya’t ang namamahala ay kinuha muna ang ilang bahagi tulad ng ibong bakal at lampara na kasama ng Mahal na Poon.
Conserve Measures: Ang Mahal na Poon ng Santo Entierro ay mayroong nakatalagang tagapamahala na si Gng. Estilita Manse Ramos na siyang responsible sa anumang gawain lalo pagdating sa pagpapanatili ng kalinisan at pagpepreserba ng itsura ng imahe. Tulwing Biyernes Santo at Transfiguration ay ito’y pinapalitan ng damit o binibihisan. Bilang karagdagan, ang ilang karatig na kabahayan ay nagkukusa din na maglinis ng imahe ng poon.