Loading...

Tinghoy

Tinghoy

Sub-Category: Furniture


Date Produce: 1867


Estimated Age: 155 years old


Owner Name: Estilita Ramos Manse


Dimensions of Object:


Physical Status: Stains, Missing Part


Acquisition: Pamana


Stories: Ayon kay Gng. Estilita Ramos Manse 80 taong gulang, siya na ang nagpatuloy ng pangangalaga ng Santo Entierro. Nagsimula ang kasaysayan ng imahe ng Santo Entierro kasama ang ilawang tinghoy ng iregalo noong 1867 ng mga Español sa isang tangyag na gobernadorsilyo noong 1861-1862 at 1867-1868 na si Don Roman Caringal na asawa ni Donya Eulogia Montalbo Caringal. Ipinamana sa panganay na anak na si Gng. Martina Caringal ang Mahal na Poon na asawa ni G. Saturnino Ramos na naging gobernadorsilyo noong 1880-1881. Ang Mahal na Poon ay nakilala dahil sa pagiging milagroso na kung saan naging dahilan upang dayuhin ng mga deboto at mananampalataya. Hindi naglaon, dahil sa patuloy na pagdami ng mga dumadagsang deboto, ito ay binigyan ng mas magandang kapilya a dito rin ay inilagay ang tinghoy na siyang nagsisilbing tanglaw at nagbibigay liwanag sa Mahal na Poon na gawa sa bato sa Brgy. Poblacion Ibaan, Batangas noong taong 1952. Y maraming panahon na Ang mga kagamitang nakalagay sa kapilya gaya ng tinghoy ayon sa Nanay Estilita ay matagal na panahon ng pinagtangkaang nakawin at iba sa mga ito ay nawala na, kung kaya’t ito ay kanilang kinuha at iniuwi upang hindi manakaw.

SIGNIFICANCE INFORMATION


Historical: – Sa loob ng 155 taon, mula ng mapunta sa Nanay Estilita ang Santo Entierro kasama ang mga kagamitang gaya ng tinghoy ay nakatulong din ito at nakapagbigay ng malaking ambag sa kasysayan. Ang liwanag na ibinibigay nito sa kapilya ng Mahal na Poon ay naging malaking tulong din sa mga deboto sa mga panahong sila ay bumibisita sa lugar na ito.


Aesthetic: – Ang hugis at modelo ng tinghoy ang nagbibigay ng ganda at kaibahan nito ay nakadadagdag sa pag-anyaya sa mga mananampalataya na bumisita at manalangin sa Mahal na Poon.


Spiritual:


Social:


Provenance: – Iniregalo noong 1867 ng mga Español sa isang tangyag na gobernadorsilyo na si Don Roman Caringal na asawa ni Donya Eulogia Montalbo Caringal ang Mahal na Poon ng Santo Entierro kasama ang tinghoy at iba pang mga kagamitang pansimbahan ay ipinamana sa panganay na anak na si Gng. Martina Caringal ang Mahal na Poon na asawa ni G. Saturnino Ramos na naging gobernadorsilyo noong 1880-1881. Hindi naglaon, Ito ay napamana sa magkakapatid nina Gng. Estilita Ramos Manse sapagkat ayon sa abogado ay sila ang pinakamalapit sa linya ng pamilya na maaaring magmana at mangalaga ng Mahal na Poon ng Santo Entierro.


Representative:


Rarity: Ang hugis at disensyo ng tinghoy ang nagbibigay ng pagiging kakaiba nito sa karamihan at ang katagalan na ng panahon mula ng ito ay mapasakamay ng may ari.


Interpretive:


Threat: Ang tinghoy kung ito ay hindi mapangangalagaan ay maaring mabasag at tuluyan ng mawala sa kasaysayan.


Conserve Measures: Ang tinghoy kung ito ay hindi mapangangalagaan ay maaring mabasag at tuluyan ng mawala sa kasaysayan.