Loading...

STO NINO

STO NINO

Sub-Category: Artifact - Metal


Date Produce: 1965


Estimated Age: 57 na taong gulang


Owner Name: Flordeliza Atienza Tejada


Dimensions of Object: TBS


Physical Status: Fading/Holes


Acquisition: Ipinamana ng ina sa anak.


Stories: Noong taong 1965 habang nasa sakahan si Gng. Rosenda Atienza Tejada at naglilinang o nagsasaka ay aksidenteng nahukay ang isang maliit na imahen ng animoy Sto. Niño na sinlaki lamang ng butil ng mais. Ayon din sa pamilya ni Gng. Atienza, sa paglipas ng panahon ay lumalaki ang naturang imahen ng Sto. Niño. Pinaniniwalaan din ng mga tao sa sitio na nakagagaling ng mga sakit ang imahe.

SIGNIFICANCE INFORMATION


Historical: TBS


Aesthetic: Ang naturang bagay o Sto. Niño ay may taglay na kagandahan dahil sa kakaibang ukit nito at kulay na parang ginto. Kakaiba din ito dahil sa maliit na sukat nito na hindi pangkaraniwan sa isang inukit na uri ng metal.


Spiritual: Dahil pinaniniwalaang nakakagamot ito sa mga sakit, Malaki ang naging epekto nito sa espiritwal na paniniwala at pananampalataya ng mga residente ng Brgy. Sto. Niño particular na sa mga nakakaalam nito.


Social: TBS


Provenance: Ang nasabing Sto. Niño ay minana lamang sa magulang ng may-ari kaya’t may malaking halaga na ito sa pamilya. (Bago namana ay nakita or nahukay muna)


Representative: Ang naturang Sto. Niño ay nagpapaalala ng malakas na pananampalataya ng mga taga Sto. Niño sa kanilang patron. (Elemento ng Sto. Nino)


Rarity: Ang maliit na Sto. Niño ay maiihalintulad ang sukat sa mga pendant ng kwintas, tanging kaibahan lamang nito ang pagkakaroon ng dalawang butas sa gitna. Wala pang naiitala na katulad ng naturang bagay sa bayan ng Ibaan.


Interpretive: TBS


Threat: Dahil sa kaliitan nito at sinasabing nakakagaling ito ay ikinatatakot na maaaring manakaw ito sa pag-iingat ng pamilya. Pwede mawala kasi maliit.


Conserve Measures: Dahilan sa ito ay pamana ng magulang at may halaga na sa pamilya ng Atienza-Tejada, patuloy itong iniingatan ng mga anak ng nasabing pamilya.