Loading...
Sub-Category: Household Items
Date Produce: 1910
Estimated Age: 112 years old
Owner Name: Antonino Estolano
Dimensions of Object:
Physical Status: Fading, Holes, Tears/Break, Missing Part, Wrinkles, Abrasion
Acquisition: Pamana ng lolo nya sa magulang nya at pamana naman sa kanya
Stories:
SIGNIFICANCE INFORMATION
Historical: Ang Ibaan ay kilala sa pagsasaka at pag-aani at pagluluto ng mga pagkaing kaugnay ng mga inani mula sa agrikultural na mga produkto. Ang bawat tahanan sa buong Ibaan ay kakikitaan ng Lusong at Halo. Halos lahat ng kakanin na niluluto at ginagawa gayundin ang sa mga inumin kagaya ng kapeng barako ay dumadaan sa Lusong at Halo.
Aesthetic: Ang Lusong at Bayo ay magkaugnay lagi at ang taas ng Lusong ay angkop lamang sa paglalagay at pagkuha ng binayo gayundin ang tamang lalim nito. Ang Bayo ay may tamang kinis at bilog sa dulo na angkop na angkop sa mas madaling paggiling o pagdurog depende sa kung anong inilalagay sa Lusong para bayuhin.
Spiritual: May mga paniniwalang kapag may Lusong at Halo ka sa tahanan, ay laging may biyayang parating. Dahil sa may kaugnayan sa pagkain ang Lusong at Halo, pinaniniwalaang ang bigas at pagkain ay laging representasyon ng biyaya ng langit.
Social: Ang Lusong at Halo ay laging gamit sa mga pagtutulungan ng mga tao sa paghahanda ng mga bagay bagay. Kalimitan ding magkakaugnay ang mga gumagamit nito na habang nagkukwentuhan ay nagbabayo ang isa, naglalagay naman ng babayuhin ang isa at nagpapalit ng mga parting babayuhin at kalimitan ding nahahalihalili ang mga nagbabayo upang maging mas madali at mas nagkakatulungan ang mga pamilya. Sa anumang pagsasamasama ng pamilya, ang lahat ay nagtutulong tulungan sa mga gawain mula sa paghahanda ng mga kinakailangang mga sangkap hanggang sa pagluluto.
Provenance: Ito ay nagpasalin salin na mula sa Lolo ni Benito Magadia na namatay sa edad na 70 taong gulang noong 2012 na minana pa sa kasalukuyan ni G. Antonino Estolano, 58 taong gulang na nakatira sa Purok 5, Bago, Ibaan, Batangas
Representative: Ito ang isa sa kaunaunahan at pinaka-kapakipakibang na gamit sa bahay na kaugnay ng lahat ng pagluluto ng mga pagkain at kakanin, at inumin ng mga taga-Ibaan, gayundin sa mga paghahayupan ng mga taga-Ibaan.
Rarity: Dahil sa pagbabago ng panahon, bihira na lamang ang gumagamit nito at nakapagtago ng may pinakamatandang Lusong at Halo. Maituturing na isa at tanging pinakamatandang Lusong at Halo ang pagmamay-ari ngayon ni G. Antonino Estolano.
Interpretive: Ang Lusong at Halo ay bahagi ng buhay ng bawat pamilyang Ibaino dahil lahat ay may mga nakasanayang pagsasamasama ng pamilya at magkakamag-anak tuwing Linggo pagkasimba upang magkamustahan at magsaya. Laging bahagi nito ang pagsasalosalo sa mga pagkaing pinagtutulungang gawin. Ang Lusong at Halo ay lagging ginagamit dahil halos lahat niluluto mula sa bigas na galling sa palay, mga mais at malagkit na bigas na ginagawang kalamay at puto, mga saging at kamote an ginagawang nilupak, mga bungang puno kagaya ng rimas na binabayo rin upang magawang kendi at minatamis. Ginagamit din ito sa mga kapeng barako upang mailaga at mapasarap ng ayos ang kape at buto ng kakaw na ginagawang tsokolate. Gayundin, dahil ang mga hayop kagaya ng baka at kalabaw ay malaki rin ang pakinabang sa agrikultura, binabayo rin ang ilang mga pakaing ibinibigay sa kanila kagaya ng sa dahon ng herusalem.
Threat: Ito ay nakatago na lamang at hindi na nagagamit. Ayon sa matatanda, kinakailangang ginagamit ito para mas lalong tumagal.
Conserve Measures: