Loading...
Address: Brgy. Talaibon, Ibaan, Batangas
Sub-Category: River/RiverBank
Area: TBS
Owner Jurisdiction: Pampubliko na pinangangasiwaan ng Ibaan LGU at ng DENR
Description: Ang ilog ng Talaibon, na tinatawag ding �Bokal� dahil sa mga bokal na pinagmumulan ng tubig nito, ay isa sa mga sangang-ilog na nagmumula sa Barangay Calamias at dumadaloy sa mga Barangay ng Ibaan tulad ng Barangay Tulay, Barangay Talaibon, Barangay Sandalan hanggang makatagpo nito ang Calumpang River sa Barangay Bungahan. Ang Ilog ng Talaibon ay may sukat na humigit-kumulang anim na kilometro mula sa Barangay Calamias hanggang sa parte ng Calumpang River sa Barangay Bungahan. Ang Ilog ng Talaibon ay may tantsang lalim na isang talampakan o labing-dalawang pulgada sa pinakamalalim na parte at ika-apat na talampakan o tatlong pulgada sa pinakamababaw na parte. Sa panahon ng baha, ang Ilog ng Talaibon ay may lalim na tatlong talampakan o tatlumpo�t-anim na pulgada. Ang ilog ay meron ding lawak na umaabot sa anim na talampakan o pitumpo�t-dalawang pulgada sa pinakamalawak na parte.
Stories: Ang pangunahing impormante na si Mr. Eddie Hermano ay nag-kwento ng kanyang mga karanasan sa Ilog ng Talaibon. Ayon sa mga kwento niya, ang ilog ang kanyang ligoan, labahan, at pinagkukuhaan ng isda noong panahon bago ang kasalukuyang siglo. Ayon sa kanya, ang ilog din ay ibang iba sa kasalukuyan nitong kalagayan. Noong unang panahon, ang ilog umano ay malinis, malamig, at masayang ligoan. Wala umanong makikitang basura na nagbabara sa panahon ng baha. Dagdag dito, sadya umanong mayaman sa lamang tubig ang ilog tulad ng hito at igat. Ang mga lamang tubig na ito, ayon kay Mr. Eddie Hermano, ay masarap ulamin dahil sa pagiging sariwa ng mga ito. Ayon naman kay Mrs. Zaidah Bradecina, ang ilog ay pinupuntahan ng mga tao mula sa kalapit na mga komunidad tuwing tag-init. Ang ilog, umano, ay sikat lalo sa mga kabataan.