Loading...
Address: Barangay Dayapan, Ibaan, Batangas
Sub-Category: River/Riverbank
Area: TBS
Owner Jurisdiction: Pampubliko na pinangangasiwaan ng Ibaan LGU at ng DENR
Description: Ang Ilog ng Dayapan o Paragusan River ay napapalibutan ng iba’t ibang uri ng mga puno gaya ng niyog, manga, kawayan, saging, antipolo, at masukal na damuhan. Sa unahang bahagi ng ilog ay mayroong mga tipak ng bato na nagdikit dikit na dahil sa tagal ng panahon. Sa pagtungo dito ay makikita sa palibot ang sementadong daanan at mga tipak ng bato na isinimento upang maiwasan ang pagguho. May bahagi din na animoy parisukat na butas na nagsisilbing daanan ng tubig na sinanggahan ng mga kawayan at sako. Sa kanang bahagi naman ay may mga disenyong ginawa yari sa semento at goma na may nakaukit at nakasulat na gawa ng mga dumarayo dito.
Stories: Ayon kay Gng. Maxima Madlangbayan – 78 taong gulang, ang ilog ng Dayapan na tinatawag na Paragusan ay pinaliliguan at napagkukunan pa ng tubig noong sila ay mga bata pa. Noong kapanahunan nila ay wala pang ibang pinagkukunan ng tubig kung kaya’t dito sila dumarayo para maglaba, magtampisaw at manghuli ng mga isda tulad ng dalag at iba pang mga lamang ilog. Ayon naman kay Gng. Minda Andalion – 67 taong gulang na tubong Brgy. Balanga, kwento ng kanyang tatay na si Ignacio Semira, noong bata pa ito ay pinagliliguan na nila ang ilog na ito, dito sila naglalaba. Dahil sa linis at ganda ng tubig ay maraming nabubuhay na lamang tubig tulad ng mga isda, suso, bitoo, at kikipa na mga uri din ng kuhol na kinakain at nahuhuli dito. Inabutan pa ni Gng. Minda ang linis at ganda ng ilog at paligid nito.