Loading...
Address: Balanga-Catandala, Ibaan, Batangas
Sub-Category: River/Riverbank
Area: 35 metro na katubigan at 45 metro na lupa (Kabuuan)
Owner Jurisdiction: Pampubliko na pinangangasiwaan ng Ibaan LGU at ng DENR
Description: Ang Ilog Kabulusan, na kilala rin bilang "Malaking Ilog," ay matatagpuan sa pagitan ng Brgy. Balanga at Brgy. Catandala sa bayan ng Ibaan. Ito ay may lapad na tatlongput limang metro at kabuuang lawak kasama ang mga kalapit na bato ay aabot sa apatnapu’t limang metro. Ang ilog ay tinatawid ng malalaking bato na natural na nagbibigay proteksyon sa mga pampang nito. Ang tubig sa ilog ay hindi na kasing linaw ng dati dahil sa iba’t ibang gawain sa paligid nito. Sa kanang bahagi ng ilog matatagpuan ang "Kumbento," isang lugar na ginagamit bilang libingan. Ang tubig mula sa ilog ay dumadaloy mula sa mga barangay ng Lucsuhin at Dayapan patungong bayan ng Lobo at Taysan, at nagtatagpo sa Ilog ng Kabulusan patungo sa Ilog ng Calumpang
Stories: Ang Ilog Kabulusan ay hindi lamang isang mahalagang likas na yaman kundi pati na rin isang saksi sa mayamang kasaysayan at kultura ng mga taga-Ibaan. Ito ay may mga kuwentong nakaukit sa alaala ng mga matatanda at patuloy na nagbibigay inspirasyon at aral sa mga susunod na henerasyon. Ayon kay G. Reynaldo Repollo, isang matandang residente ng Brgy. Catandala, noong panahon ng Hapon, nang tangkain ng mga sundalong Hapon na tumawid sa ilog upang sakupin ang CAMAPA (Brgy. Catandala, Mabalor, at Panghayaan), biglaang tumaas ang tubig ng Ilog Kabulusan. Ang malakas na agos ng tubig ay umanod sa isa sa mga Hapones, na nagdulot ng takot sa iba pang sundalo at napigilan ang kanilang masamang balak. Itinuturing ito bilang himalang pagliligtas ng ilog sa mga naninirahan sa paligid nito.