Loading...
Address: Brgy. Sto. Nino, Ibaan, Batangas
Sub-Category: VINE
Area:
Owner Jurisdiction:
Description: Ang paminta ay mayroong mahalagang sosyo-ekonomikong kahalagahan sa maraming lugar sa Pilipinas. Ang paminta ay isang pangunahing produkto ng maraming komunidad at nakapagbibigay ng kabuhayan sa mga lokal na magsasaka at manggagawa. Ito ay nagpapalakas ng ekonomiya ng mga komunidad at rehiyon na nakadepende sa agrikultura. Bukod pa rito, ang paminta ay mayroon ding mahalagang papel sa industriya ng pagkain at kalakalan, hindi lamang sa lokal na antas, kundi pati na rin sa internasyonal na merkado.
Stories: Sa barangay santo Nino ay may taniman ng paminta na pag aari ng mag·asawang Rodolfo Reyes, 52 ang edad at ang kanyang may bahay na si Cecelle Rayes na nasa edad na 58 na. Binata palang siya ay nagtataim na siya ng paminta kaya ito ang naging panimulang hanap-buhay noong siya ay nag-asawa. Humigit sa 2 ektarya ang lupang ng kanilang taniman,umaani sila na mahigit (1 teinelata)100 kilos isang beses sa lsang taon. Binata palang siya ay nagtatanim na ng paminta sa edad na 30. Noong una siya ay nakikisama lang sa may lupa na si June Magtibay. Kalaunan sila ay nagsarili na, minsan lang itong itanim at tuloy-tuloy ang pag bunga at kung may mamatay ay hinuhulipan lang nila. Nagkakahalaga ng 230 per kilo at ito ay kinukuha sa kanila ng mga mamimili. Nagpupunla rin sila ng pananim na paminta na umaabot sa 20k sa loob ng lsang taon, Inu-online niya ito at dahil dito nakarating ito sa Luzon, Visayas at Mindanao. Nagkakahalaga ng 35 pesos kada piraso pananim,Tinatakar muna tapos pagbuhay na ay saka ililipat sa punlaan. Sila ay may mga tauhan sa pagtatabas ng kapaligiran ng pamintahan. Ang paminta ay nakakapit sa kakawerte o kilalang tawag sa madre kakaw. Sa sipag ng mag-asawang Rodolfo at Cecelle sila ay nakabili ng lupa at nakakapag pagawa ng bahay, nakapag paaral ng mga anak at nakabili ng sasakyan.