Loading...
Address: Poblacion, Ibaan, Batangas
Sub-Category: Church
Area: 1. Total Land Area: To be supplied 2. Structure: To be supplied
Owner Jurisdiction: Donya Eulogia Montalbo Caringal at Don Roman Caringal
Description: Ang panlabas na disenyo ng kapilya ng Santo Entierro ay ginamitan ng mga makalumang materyales na kung saan agad na mapapansin ang disenyo ng pinto na yari sa matibay na kahoy at binigyang buhay ng mga bubog na may makalumang disenyo, sa harapan nito ay mayroong dalawang poste sa magkabilang bahagi. Ang gusali ay yari sa bato na may pinturang puti at tsokolate. Ang bubong ay yari sa yero na hugis tatsulok at bahagyang nakalubog na siyang natatabunan ng pader na bato. Ang harapan naman ng kapilya ay may nakatayong puno ng avocado sa kanang bahagi na pinalilibutan ng upuan na yari sa bato. Sa kaliwang bahagi naman ay may nakatayong lumang bahay na yari sa kahoy at bato. Sa panloob na bahagi ng kapilya ay agad na mapapansin ang sahig dahil sa kalumaan nito sapagkat ito ay katulad ng mga “tiles” na makikita sa mga lumang simbahan. Ang loob ay napaliligiran ng pinturang puti, ang bintana ay yari bubog, at ang kisame ay may disenyong kwadrado. Pagpasok ng pinto ay agad na mapapansin ang pinto sa kaliwang bahagi na lagusan sa karugtong na lumang bahay. Sa kanang bahagi nito ay makikita ang lumang itim na tirikan ng kandila na yari sa bakal na may limang bahagdan at disenyong krus sa ibabang bahagi. Sa gintang bahagi, nakahanay ang pitong (7) kulay tsokolate na pahabang upuan na may luhuran at yari sa kahoy. Sa unahang bahagi ay may isang bahagdan kung saan nakalagak ang imahe ng Santo Entierro. Sa kanang bahagi nito ay mayroong lamesa na may katamtamang taas at laki. Sa kaliwang bahagi naman nito ay mayroong Birhen na may suot na kulay pula na belo at makinang na disenyo ng damit.
Stories: Ipinamana sa anak na si Martina Caringal ang Mahal na Poon ng Santo Entierro at ito ay ang siyang naging dahilan upang maipatayo ang kapilya noong taong 1940 sa Poblacion Ibaan, Batangas. Ito ay nakilala sa pagiging milagrosa ng Mahal na Poon kung saan naging dahilan upang dayuhin ng mga deboto at mananampalataya. Hindi naglaon, dahil sa patuloy na pagdami ng mga dumadagsang deboto ay isinaayos at binago ang istruktura ng kapilya na gawa sa bato noong taong 1952. Bukod sa nasabing dahilan, ang Mahal na Poon ng Santo Entierro ay ilang beses nang pinagtangkaang ipagbili ng may-ari nit, subalit sa tuwing ipagbibili ay nagkakaroon ng hadlang gaya ng pagkakasakit at ibang pang hindi magandang pangyayari. Ang mga pangyayaring ito ay ang siyang naging dahilang upang ipagpatayo ng bahay dalanginan ang Mahal na Poon.