Loading...
Address: City/ Municipality of Ibaan / Barangay Sto. Niño
Sub-Category: Plants (Flora)
Area: Barangay Sto. Niño
Owner Jurisdiction: N/A
Description: Ang kahalagahan ng halaman na Citrus nobilis o Sinturis sa Barangay Sto. Niño (Pakalat) ay pangunahin na nasa aspeto ng sosyo-ekonomiko. Ang halaman na ito ang nagiging pangunahing kabuhayan ng mga lokal na residente at nagbibigay sa kanila ng patuloy na kita upang matugunan ang kanilang pang-araw-araw na pangangailangan at pangangailangan sa edukasyon ng kanilang mga anak. Ang saganang suplay ng Sinturis sa lugar ay isang mahalagang mapagkukunan ng kabuhayan na nagpapanatili sa kanila sa kanilang pamumuhay.
Stories: Sa Barangay Sto. Niño (Pakalat), makikita ang mga punong sinturis na nag-aabound. Ang lugar ay kinatitirikan ng lupaing pag-aari ng mag-asawang Modesto Patuloy, 76 na taong gulang at kanyang may bahay na si Fe Patulot na sumakabilang buhay na dahil sa panganganak. Ang mag-asawa ay may tatlong anak na nakapagtapos ng kanilang pag-aaral. Noong binata pa lamang si Ka Budoy, nangarap na magkaroon ng sariling lupa. Nang mabili niya ang lupaing ito, na may sukat na dalawang at kalahating iktarya (2 1/2), nagtanim siya ng mga prutas kasama na ang sinturis. Sa kabila ng hirap at pagod, naitayo niya ang kanyang kabuhayan at naging mabunga ito.