Loading...

Tubo/ Sugar Cane

Tubo/ Sugar Cane

Address: Brgy. Sandalan Ibaan, Batangas

Sub-Category: Plants (Flora)

Area:

Owner Jurisdiction:

Description: Ginagawang asukal, suka, juice, at alak ng mga IbaeƱo. Ang molasses o ang natitira sa pinakahuling pagpoproseso ng asukal ay ginagamit upang ihalo sa mga pakain sa hayop tulad ng feeds at painom sa mga baka at kalabaw. Ang bagaso naman ay napakainam gamitin bilang panggatong ng mga planta sa pugon na kung saan pinoproseso at ginagawa ang asukal

Stories: Ang tubo ay ipinakilala sa Pilipinas ng mga kolonyalistang Espanyol. Kinilala nila ang matabang lupain at magandang klima ng bansa tulad ng mayroon sa Batangas, kabilang ang Ibaan, bilang mainam para sa pagtatanim ng tubo. Naitatag ang malalaking asyenda o taniman ng tubo sa Batangas, kabilang ang Ibaan. Ang mga asyenda na ito ay sumasakop sa malalawak na lugar ng lupain at pangunahing pinamamahalaan ng mga may-ari ng lupang Espanyol. Ang tubo ay naging pangunahing pananim sa mga ito.