Loading...

CARINGAL ANCESTRAL HOUSE

CARINGAL ANCESTRAL HOUSE

Address: Brgy. Lapu-lapu, Ibaan, Batangas

Sub-Category: WORLD WAR II PERIOD

Area: 1. Total Land Area: 500SQM, 2. Structure: 72 SQM

Owner Jurisdiction: Mrs. Oliva Caringal Guerra

Description: Ang bahay ay napapalibutan ng bakod na gawa sa samento at bakal, ito ay may mga halaman na nakalagay sa mga paso at mga lumang tapayan ang nagsisilbing patungan nito. Ang bahay ay gawa sa kahoy. Ang mga haligi at hagdan nito ay kahoy na mula sa puno ng yakal, ang dingding at sahig ay mula sa kahoy na hawili, ang bintana ay gawa sa Capiz ,jalosi at makukulay na bubog, ang silong nito ay may tambobong (kamalig), ang mga balustre ay may mga ukit, ang mga dibisyon ay may mga desenyong ukit, at ang mga pinto nito ay mula din sa puno ng yakal. Ang kanilang tubig ay mula sa Ibarwasa ngunit meron din silang jetmatic na mula ang butas sa dati nilang poso.

Stories: Ang bahay ay minana sa kanilang lolo na si Don Faustino Caringal dating nagserbisyo bilang tenyente nung panahon ng hapon. Ang kanilang pamilya ay kilala sa Brgy. Lapu-lapu, sila ay dating nag mamay-ari ng ilohan (gawaan ng asukal) at may malapad na lupain. Sila ay nagpapatanim ng palay at ang kanilang silong ay ang nagsisilbing imbakan ng palay.