Loading...

Puno ng Akasya

Puno ng Akasya

Address: Purok 4 Brgy. Bago, Ibaan, Batangas

Sub-Category: Tree

Area:

Owner Jurisdiction:

Description: 1. FLOWER: Ang bulaklak nito ay napakaganda ngunit maliliit. Ang halimuyak nito ay kaaya-aya, nakaayos ng pabilog na hugis at hibla-hibla. Ang bulaklak nito ay karaniwang kulay dilaw, rosas at kung minsan ay puti. Ang kulay ng mga bulaklak nito ay depende sa lugar na pinagmulan nito. Ang mga bulaklak ay kulay-rosas, nakasuot sa siksik, peduncled, axillary, nag-iisa, fascicle na ulo. 2. LEAVES: Ang mga dahon ay maliit at napakapino. Ang pagkakaayos ng mga dahon nito ay patayo at may makikita tayong mga tinik. Napakatulis ng mga tinik sa ilalim ng mga dahon nito. Ang mga dahon ay pantay na bipinnate at mabalahibo sa ilalim. Ang Pinnae ay 8 hanggang 12 at 15 sentimetro ang haba o mas kaunti. Ang mga leaflet ay 12 hanggang 16 sa itaas na pinnae, 6 hanggang 10 sa ibaba, lumiliit ang laki pababa, mabalahibo sa ilalim, na may mid-nerve na dayagonal, at oblong-rhomboid, 1.5 hanggang 4 na sentimetro ang haba. 3. FRUITING: Ang bunga nito ay maliliit na buto na nababalot sa balat na kulay brown na kahalintulad ng sampalok. Ang balat nito ay napakatamis at saganang pinagmumulan ng gam at pasas. Ang prutas nito ay matamis kung minsan ay kinakain ng mga bata. Ang mga prutas ay mga pods, tuwid, medyo may laman, walang hibla, 15 hanggang 20 sentimetro ang haba, 2 sentimetro ang lapad, na may pulpy na matamis na mesocarp. 4. FRAGRANCE: Ang halimuyak ng mga bulaklak nito ay kaaya-aya at ginagamit na pabango. 5. SPECIAL NOTES: Ang akasya ay isanspang at nakakunog malaking puno na lumalaki sa taas na 20 hanggang 25 metro. Ang balat nito ay magat.

Stories: Ayon kay Kgg. Cesar Hermedilla, mula sa kwento ng Nanay Prenang, isang matandang magdadasal na nakatira malapit sa may Puno ng Akasya, na namatay noong 2018 sa edad na 91, na may Bahay sa Puno noong 1970 na nagsisilbing tambayan at umpukan ng mga magkakapitbahay sa lugar. Gayundin, noon, tuwing palubog ang araw at nag-aagaw ang liwanag at dilim, may nakikitang mga dwendeng naglalaro sa Puno ng Akasya. May mga kwento rin na kapag hatinggabi ay may nakikitang nagpoprusisyong mga kandila subalit walang taong makita. Ang malawak na mga sanga ng puno ay nagsisilbing lilim sa maraming magkakapitbahay para magkasamasama at magkakwentuhan. Noong nakatayo pa dito ang Bahay sa Puno, mas nagamit ang puno sa pakikisalamuha nila sa isat’isa. Dito rin nagaganap ang iba’t ibang mga pagpupulong. Noong Panahon ng Pandemya kung saan isa sa pangangailangang hinihingi sa bawat ginagawang pagpupulong ang bukas na lugar, ang Puno ng Akasya ay nagsilbing lugar kung saan isinagawa ng Punong Bayan Joy Salvame kasama ang kanyang mga Opisyales at mga Opisyales ng Barangay ang pagpupulong tungkol sa mga programa ng bayan para sa mga magsasaka. Sa ngayon, ang lilim ay nagsisilbing laruan din ng mga bata, tambayan ng mga magkakapitbahay at pag-iinuman ng mga magkakabarkada at magkakasama.