Loading...

Tagak/Herons

Tagak/Herons

Address: City of Ibaan / Kaparangan (Sakahan)

Sub-Category: Animal (Fauna)

Area: Kaparangan (Sakahan)

Owner Jurisdiction:

Description: Ang tagak ay ibon na puti, may mahabang leeg, tuka, binti at kuko at may malapad at malakas na bagwis. Ito ay malayang nabubuhay sa kaparangan o mga lupang sakahan. Nakakatulong sa mga magsasaka para mabawasan ang mga peste at salot sa mga sakahan.

Stories: Ang tagak sa Ibaan ay kalimitang nakikita sa mga kaparangan kung saan may tanim na palay. Simbolikong tanawin na sa kaparangan na makikita itong nakadapo sa ibabaw ng kalabaw o baka. Ayon sa mga magsasaka dumadapo ito sa likod ng hayop para tukain ang kato (kuto) na namamalagi sa katawan nito. Nakakatulong din ito sa mga magsasaka sapagkat kinakain din nito ang mga suso at insekto na sumisira sa palay at nagtataboy ng mga daga at palaka. Kalimitan itong makikita sa umaga haggang dapit hapon.