Loading...
Address: BRGY. MATALA IBAAN
Sub-Category: RIVER/RIVERBANK
Area:
Owner Jurisdiction:
Description: Sang ayong kay G. Loreto Maralit ang Ilog San Agustin sa Brgy. Matala Ibaan, Batangas ay isang malalim na ilog na tinatayang lampas tao ang lalim. Ito ay ay karugtong ng Ilog Catandala at Ilong Calumpang ng bayan ng Batangas. Inilarawan din ni Gng. Magdalena ang Ilog na napakaganda at napakalinis. Ito ay isang mahalagang yaman sa komunidad ng Ibaan dahil nagbibigay ng malaking ambag dahil ito ay pangisdaan ng mga tao sa lugar kung saan nakakuha sila ng isda katulad ng dalag. Ang ilog din ang nagsisilbing labahan ng mga kababaihan nung unang panahaon.
Stories: Ayon kay G. Loreto Maralit, nagkaroon ng makasaysayang kaganapan ang Ilog noong Panahon ng Hapon, partikular sa pagdating ng tag-araw. Sa panahong iyon, nabuo ang isang makabuluhang tulay na gawa sa kawayan na nagsilbing daan para sa mga estudyante patungo sa kanilang paaralan.